PINATAWAD na ni Manny Pacquiao si Floyd Mayweather Jr. sa kanyang naunang pang-aasar sa kanya. Limang taon na ang nakalipas nang unang pinalutang ang posibilidad na maglaban sina Pacquiao at Mayweather pero ngayon lang ito mangyayari at maraming salita ang lumabas sa pound-for-pound king.
Kasama na rito ang akusahan ang Pambansang Kamao na gumagamit ito ng performance-enchancing-drugs (PED) kaya’t napapatulog niya ang mga kalaban na mas malalaki sa kanya.
Sa panayam ni William Holmes ng Boxing Insider, sinabi ni Pacquiao na wala na sa kanya ang mga bagay na ito dahil naipasa-Diyos na niya ang mga ito.
Pero ngayon na matutuloy na ang pinakaaasam na pagkikita ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito ay tiniyak ni Pacquiao na maipapalabas niya ang lahat ng galing para paamuin ang walang-talong si Mayweather.
“It is time for Floyd to lose,” wika ni Pacquiao. Pinanood din ni Pacman ang mga nakaraang laban ni Mayweather at saludo siya sa naabot ni Mayweather.
“I have watched tape of Floyd. He is a gifted athlete. His undefeated record is what impressed me most. Until he loses, he deserves a lot of credit,” dagdag ni Pacquiao.
Ginarantiya rin ni Pacquiao na walang problema ang kanyang paghahanda kahit ang walang humpay na random drug testing na bahagi ng kontratang kanyang pinirmahan para matuloy ang megafight na ito.
Mas pinaigting ang pagsasanay ni Pacquiao papasok sa huling dalawang linggo ng laban kaya’t makaasa na nasa pinakamagandang kondisyon ang Kongresita ng Sarangani Province para hiyain si Mayweather sa Mayo 2.
Samantala, muling nagpakita ng angas si Mayweather sa panayam sa kanya ng ESPN kahapon.Sinabi ni Mayweather na sasagupain niya si Pacquiao gamit ang impresibong istilo matapos niyang aminin na hindi siya natuwa sa ilang panalong naitala niya sa kanyang 47-0 kartada.
“I don’t wanna just win,” sabi ni Mayweather sa Sportscenter special ng ESPN. “I wanna do it in such beautiful fashion. I want to do it with such class, such grace.”
Nang tanungin kung habol niya ang knockout, natawa at hindi nagbigay ng direktang sagot si Mayweather. “One thing about (Pacquiao), he ain’t going to go on survival mode like other guys do when they face Floyd Mayweather,” sabi nito.
“There’s five ways to beat him; there’s no way to beat me,” dagdag pa ni Mayweather. “Choose the weight class, put him in front of me, I’ll beat him. “Same mentality on May 2nd. Put him in front of me, I’ll beat him.”
Ang Amerikanong boksingero na kilala sa tawag na “Money” ay patuloy namang ibinibenta ang kanyang sarili bilang pinakamahusay sa larangan ng boxing.
“No one ever brainwashed me to make me believe Sugar Ray Robinson and Muhammad Ali was better than me,” sabi ni Mayweather. “No one can ever brainwash me and tell me that.”