Kahit kami ay bumilib sa ginawang panggagaya ni Jolina Magdangal kay Manny Pacquiao sa huling episode ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN.
Matapos umani ng papuri last week nang gayahin niya si Axl Rose ng Guns N’ Roses ay muling ginulat ni Jolens ang madlang pipol nang kopyahin naman niya ang Pambansang Kamao kung saan kinanta nito ang signature song ni Manny na “Para Sa ‘Yo Ang Laban Na ‘To.” In fairness, binigyan talaga ng standing ovation ng lahat ng jurors ang performance ni Jolens.
“Wala kaming makitang Jolina ngayon eh. Grabe, sobrang nakakapangilabot ‘yung transformation mo,” sey ni Jed Madela.
Chika naman ni Sharon Cuneta, “Wala akong masabi. Ang galing, ang hirap, pero kuhang-kuha mo!”
Ang sey naman ni Boy Abunda (pansamantalang pumalit kay Gary Valenciano), “The performance, I think, was stunning. With that performance, without having to exaggerate the way I feel, I am so proud to be in the business of show.”
At dahil dito, siya muli ang tinanghal na winner. Ido-donate ni Jolens ang napanalunang P100,000 sa Kythe Foundation. Ito ang ikalawang winning moment ni Jolina, una siyang nagwagi noong gayahin niya ang international singer na si Cher.
Ilan pa sa mga nagpakitang-gilas sa nakaraang episode ng YFSF ay sina Melai Cantiveros bilang si Cindy Lauper; Tutti Caringal as Steven Tyler; at Jay-R as Tom Jones.
As usual kulelat na naman sa laban si Maxene Magalona, in-impersonate naman niya si Vhong Navarro as Totoy Bibbo. At tulad ng mga nakaraang peformance ni Maxene – waley na waley pa rin ang ipinakita niya nitong nakaraang episode ng YFSF.
Pero tiyak na aabangan si Maxene this weekend dahil ang tatay niyang si Francis M ang gagayahin niya.