Daniel: Mahal na mahal ko ang mga taong iyon!

daniel padilla

WALA na talagang makapipigil sa pagiging ultimate heartthrob at number one matinee idol ni Daniel Padilla – siya na ang maituturing nating pinakasikat na young actor ngayon.

Lahat ng proyektong ginagagawa niya ay talagang pumapatok sa masa, mula sa mga teleserye, hanggang sa kanyang mga pelikula, ay talagang suportado ng milyun-milyong fans nila ni Kathryn Bernardo.

Idagdag pa riyan ang kanyang endorsements at successful shows abroad. At nitong Linggo lang sa ASAP 20, ibinigay na sa kanya ng Star Music ang Double Platinum award para sa kanyang album na “I Heart You” – siya ang unang local artist na nakatanggap ng nabanggit na award ngayong 2015.

Kasabay din nito ang 20th birthday celebration ni DJ sa ASAP 20. Mismong si Jonathan Manalo ng Star Music ang nag-abot kay Daniel ng kanyang Double Platinum award, “Ito ang gift namin.

The continuous streak of your multiplatinum awards para sa success ng albums mo is just unstoppable. Hawak namin ngayon ang first Double Platinum award for the year.”

Nang hingan naman ng birthday message si Kathryn para sa kanyang rumored boyfriend, ang tanging nasabi ng dalaga kay DJ, “Ngayong 20 na siya, sana maging wise siya sa mga decisions niya and sana masaya siya.”

At take note, talagang nagtilian ang audience sa studio nang yakapin ni DJ nang mahigpit sa Kathryn. At naniniwala kami na isa itong confirmation na matagal nang may relasyon ang Teen King & Queen ngunit ayaw lamang umamin ng dalawa dahil meron silang kailangang protektahan.

Marami naman ang na-touch nang mapanood nila ang isang video kung saan ipinakita ang pagbabalik ni DJ sa isang Aeta community sa (Sitio Tarukan) Capas, Tarlac.

Dito kinunan ang halos kabuuan ng huling blockbuster movie ng KathNiel na “Crazy Beautiful You”.”Gusto ko po silang balikan dahil mahal na mahal ko yung mga taong iyon,” sey ni Daniel.

Dagdag pa nito habang kausap ang mga tagaroon, “Dito ako nag-birthday dahil alam n’yo naman kung gaano ako kasaya dito.”
Ipinaalam din ng Kapamilya actor sa mga taga-Sitio Tarukan na sa susunod na buwan ay darating na ang inorder niyang solar panels na ipinangako niya sa mga kababayan natin doon.

Read more...