Video ng hunk ophthalmologist naging viral

doctor

NAGING viral ang video ni Dr. Mark Agas, isang resident ophthalmologist sa St. Luke’s Medical Center matapos siyang unang mabanggit sa Far Eastern University (FEU) Secret Files Facebook page.

Makikita sa 28-segundong video na nasa harap ng isang computer si Agas habang nagtatrabaho at nakikipag-usap sa isang pasyente na kumukuha naman ng video.

Samantala, sa isang Facebook confession, na ginawa ng isang nagpakilala bilang “Future Lawyer,” na ipinost noong Abril 18, ikinuwento nito ang kanyang karanasan matapos magpatingin sa 32-taong-gulang na duktor.

“Nagpa-check up ako kanina sa st lukes, nanglalabo na kasi mata ko dahil sa pagbabasa. Anyways, Law student here. So yun, pag dating ko ng St. Lukes dinala agad ako sa isang opthalmologist.

Pag open niya ng pinto niya… BOOM! PAK NA PAK! WALANG HALONG KEME, WALANG HALONG CHENES! Napaka gwapo nung doctor OMG! Huhuhu! Biglang luminaw ang mata ko nung nakita ko siya.

Grabe! Dr. Mark Agas ung name ni Doc. Kitang kita ko hahaha! So un, chineck niya mata ko, binigyan niya ko ng preferred na grado ng salamin then yun,” sabi ng Facebook user.

Naging dahilan naman ang Facebook post para maghanap ang netizen ng mga litrato at impormasyon tungkol kay Agas. Nagpahayag ng paghanga ang mga netizen kay Agas.

Sabi ng Facebook user na si Gwen Lim,“Doc, lumalabo na ata mata ko, check ko nga kung may pagtingin ako sa’yo.”
Umaasa naman si IJ Lim na makita si Agas kapag nagpatingin: “Doc, napuwing po ako. pahipan naman po.”

Broken hearted naman ang mga netizen nang malaman nilang may girlfriend na ang hunk doctor, isang medical student sa University of Santo Tomas (UST) at print model na si Kara Gozali.

Umani ang confession ng 13,887 “likes” at share na 560. Nagtapos si Agas ng kanyang undergraduate degree sa UP Diliman at medical degree sa UST noong 2011.

Naging intern siya sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa 2012. Bukod sa pagiging ophthalmology resident sa St. Luke’s Medical Center, isang modelo rin si Agas sa ilalim ng pamamahala ng Mercator Models Management.

Lumabas na rin siya sa ilang print ads at magazines kagaya ng Cosmopolitan magazine.

Read more...