James, Nadine may pasabog sa unang teleserye sa Dos

james reid

Pero hindi tsismis ang lalong pagpayat at pagiging guwapo ni Arjo Atayde, ang isa sa mga paborito naming young actors at isa rin sa mga babies namin nina papa Jobert Sucaldito.

“I’m into something,” pabitin pa nitong sagot sa tanong namin kung ano ang sikreto ng pagpayat niya nang makasalubong namin ito sa “Just Say 54” birthday concert for papa Jobert sa Teatrino ng ampon naming si Michael Pangilinan.

“May offer kasing mahirap tanggihan. It’s a role na required ang pumayat at ibang challenge ito Tito,” sagot nito sa amin sabay tsikang ang On the Wings of Love nga nina James Reid at Nadine Lustre ang tinutukoy niya.

Hindi pa namin puwedeng idetalye ang tungkol dito dahil bawal pang isulat at hindi pa naman daw sila nag-uumpisang mag-taping, pero sa pagkakalarawan sa amin ni Arjo ay isa itong very special role para sa kanya.

And knowing his passion for art and his craft, alam naming hindi pocho-pocho project ang magiging unang soap sa ABS-CBN ng JaDine tandem.

Hindi pa man ay alam na naming marami na ang maiintriga at tiyak na kakabahan sa bagong proyektong ito. Ha-hahahaha!

Read more...