Pinagkakalat ng bashers: Sarah buntis daw kay Matteo

matteo guidecelli

Naloka naman kami sa tsismis na nakarating sa amin noong Biyernes ng umaga dahil ang pagbubuntis ni Sarah Geronimo ang itinatanong sa amin.

Unang-una, alam agad naming tsismis lang ang balita pero kapag dumarami na kasi ang nagtatanong at ultimo mga nirerespeto mo ng mga tao ang nagtatanong, mapapaisip ka rin. Ha-hahahaha!

Kaya naman nag-text brigade kami sa aming kapwa Popsters na na-shock din sa tsismis at wala ni isa man sa kanila ang nakarinig ng maling balita.

Well, kahit nasa “marrying age” na si Sarah ay alam naming baon-baon at dala-dala nito ang mga values na noon pa ibinabahagi sa kanya ng kanyang parents.

And knowing Matteo Guidicelli na napakaingat din at talagang grabe kung ma-inlab, eh, hindi naman siguro siya papayag na mauna ang buntisan sa kasalan.

 

Read more...