Jake Vargas level-up na, wagi sa Houston Fest bilang Best Rising Star

SINO bang mag-aakala na si Jake Vargas ay bigla-bigla na lamang maglelevel-up?

Ito ay matapos makapag-uwi ng parangal ang binata mula sa WorldFest Houston International Film Festival sa Estados Unidos nang tanghalin siya bilang Best Rising Star para sa pelikulang “Asintado”.

Ang teen star ay mula sa GMA at regular na napapanood sa “Pepito Manaloto” at tinaguriang “Prince of Mall shows”.

Ito ang kaun-unahang award ng batang aktor ayon sa direktor na si Louie Ignacio.

Labis anya niyang ikinatutuwa at ipinagmamalaki si Jake sa karangalang iniuwi nito sa bansa.  “First award niya ito at pang-international pa!” hirit ng direktor.

Read more...