UFCC 8th leg derby sa Big Dome bukas

SI ENGR. Celso Salazar (Tiger Shark), na naghari sa 7th leg ng 2015 Ultimate Fighting Cock Championships (UFCC) circuit, ay inaasahang magiging pinaka-paborito bukas sa pagbubukas ng 8th leg 6-cock derby sa Smart Araneta Coliseum.

Iniisponsor ng Thunderbird Bexan XP – gamit ng tunay na kampeon, ang labanan bukas ay mas kapana-panabik dahil tiyak na ilalabas ng dating lider para sa Cocker of the Year award na si Charlie “Atong”

Ang ang kanyang mga alas para mabawi ang unang puwesto. Sa kasalukuyan, si Ang ay nasa ikatlong puwesto at may 25 puntos. Ang pagsusumite ng timbang ay magaganap ngayon simula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.

Nasa unahan ngayon matapos na umiskor ng 26 puntos si RJ Mea habang pumapangalawa si Atty. Astorga (25.5 pts).
Katabla naman ni Ang sa ikatlong puwesto sina Gov. Eddiebong Plaza, Engr. Celso Salazar at Allan Siaco.

Ang 2015 UFCC ay ginaganap sa pakikipag-tulungan ng Thunderbird Platinum, Resorts World-Manila at Solaire Resorts & Casino.

Read more...