Pakiusap ng fans kay Jessy: Alagaan at mahalin si JM!

jessy mendiola

Kumpirmadong nakipagbalikan na si JM de Guzman kay Jessy Mendiola. Matatandaan si Jessy ang sinisi noong gumamit ng droga si JM. Hindi raw nakayanan ni JM ang pakikipaghiwalay sa kanya ni Jessy.

Umaasa naman ang mga taong nagmamahal kay JM na hindi ulit gawin ni Jessy ang ginawa niya noon sa aktor. At harinawang true ang kasabihang love is lovelier the second time around for Jessy and JM.

Kagabi naman napanood muli si JM sa isang madramang episode ng Maalaala Mo Kaya. Binigyang-buhay ni JM ang karakter ni Paul, isang bumbero na sa labis na pagmamahal sa kanyang trabaho ay naisasakripisyo na ang halos buong panahon niya para sa pamilya.

Bahagi rin ng nasabing episode sina Michelle Madrigal, Nonie Buencamino, Ana Capri, Faye Alhambra, Elaine Quemuel, Lorenzo Mara at Angelo Ilagan, sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.

Read more...