Daniel, Kathryn hinamon: Turuan ng leksiyon ang KathNiel fans!

kathryn bernardo

MAY nag-post uli ng picture ni Daniel Padilla na nasa loob ng kabaong. Apparently, it was meant to make it appear na namatay na si Daniel kahit hindi naman. Matagal na itong kumalat sa social media pero binuhay uli ang issue.

Ewan kung sino ang nag-post ng eerie photo na ‘yon na ipinalalagay na panghihiya sa Teen King. Mukhang matindi ang galit niya sa binata, huh! But according to reports kakilala rin daw ni DJ ang salarin.

Anyway, nag-react na si Kathryn Bernardo and in one interview she said, “Hindi na nakakatuwa ‘yon, below the belt na iyon pero hindi na naminmasyado iniisip ni DJ.

“Huwag na lang siguro pansinin kasi feeling namin ay mga bata ang gumawa noon. Kung sino man ang gumawa noon alam niya siguro na mali iyon at sana iyon na ang huli na mangyari iyon,” sey ni Kathryn.

As to Daniel, deadma lang siya sa issue, ayaw na niyang patulan ang walang kuwentang taong pumatay sa kanya.
Anyway, the kabaong photo of Daniel resulted in mixed reactions.

There was one guy who said, “Sus Kathniels din may kagagawan nyan!” One fan tried to rationalize things and said, “Kasi madaming binangga yan na fandoms, di ba yun hate campaign sa kanila last time, from 3 international artists, tapos may local loveteams pa. di na nakapagtataka kung maraming haters, eh kinokunsinte din nila mga fans nila eh; what you sow is what you reap!”

“Well said Kathryn! Wag na lang pansinin kasi wala rin naman sila mapapala sa ginagawa nila at babalik din naman sa kanila pinaggagawa nila. Good vibes na lang Teen Queen!” comment naman ng fan ng dalaga.

We believe na hangga’t sikat na sikat pa rin ang KathNiel ay hindi sila tatantanan ng kanilang detractors. Gusto nilang makita ang pagbagsak ng mga bagets. Pero sorry na lang dahil matatagalan pa siguro bago sila magtagumpay.

Read more...