Gusto ng mag-asawa

Sulat mula kay Marie Anne ng Molugan, El Salvador, Misamis Oriental

Dear Sir Greenfield,

Bakit kaya until na 33 na ang edad ko sa darating na December 13, wala pa rin akong nagiging seryoso at totohanang boyfriend, samantalang noong high school at college ako ay nagka-boyfriend naman ako kaya lang lahat ng relasyong dumating ay panandalian lang hanggang sa nakapagtrabaho ako bilang public school teacher. Simula noon wala ng dumating na manliligaw sa akin hanggang sa umedad ako na 32 na sa ngayon. Ako ang bunso sa aming limang magkakapatid na may asawa na lahat, kaya pinag-aasawa na din ako ng mga magulang ko. Itatanong ko lang sa inyo, kung sa edad kong ito may pag-asa pa kaya akong makapag-asawa at kung may sarili na akong pamilya, magkaka-anak pa kaya ako at magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya ng lalaking mapapangasawa ko? At nais ko ring malaman kung sakaling makapag-aasawa pa ako, kailan naman kaya ito magaganap? December 13, 1982.
Umaasa,
Marie Anne ng
Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Wag kang mabahala Marie Anne, hindi ka tatandang dalaga, sapagkat may namataan paring kaisa-isang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit na magte-33 ka na sa darating na Disyembre, walang duda, makapag-aasawa ka parin, at sa pagpapamilya ay habang buhay na magiging maligaya.

Cartomancy:
Five of Hearts, King of Diamonds at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2015, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka hanggang sa tuluyang makapa-asawa hatid ng isang mayaman at halos kasing edad mo ring lalaki.

Itutuloy…..

Read more...