Roxas nagsalita na; gustong maging presidente sa 2016

NAGPAKATOTOO na rin si Interior Secretary Mar Roxas, at sinabihan ang kanyang mga kapartido sa Liberal Party na gusto niyang tumakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.

Ito ang sinabi Biyernes ni Senate President Franklin Drilon.

Ipinalaam ni Roxas ang kanyang balak sa harap ng kanyang mga kapartido sa LP kamakailan, ayon kay Drilon sa panayam nito sa Radyo Inquirer.

“As of now, Mar Roxas has expressed interest internally that he wants to offer his candidacy to the public, and the party will probably endorse that. So as of now, it’s Mar Roxas,” ayon kay Drilon.

Sinabi naman ni Drilon na bise presidente ng partido na hindi pa niya alam kung sino ang hihirangin ng LP para sa pamabato nito sa pagkapangulo at bise presidente sa darating na halalan.

Magpapatawag ang LP ng convention para pagdesisyunan kung sinu ang mamanukin nito bagamat wala pa rin anya silang date kung kelan ito gagawin.

Gayunman, madalas nang sinasabi ng mga miyembro ng partido na si Roxas nga ang nararapat na tumakbo sa pagkapangulo matapos itong magbigay kay Pangulong Aquino noong 2010 elections.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station, pumangatlo si Roxas sa napipisil na magiging pangulo.  Sinundan niya sina Vice President Jejomar Binay at Senador Grace Poe na halos magkadikit na.

 

Read more...