Ritchie d’Horsie pumanaw na

PUMANAW na ang komedyanteng si  Ritchie d’Horsie Biyernes ng gabi.  Siya ay 58-anyos.

Ayon sa kanyang pamangkin na si April Alcober, na nakausap ng Inquirer.Net, namatay si Ricthie alas 9:24 ng gabi sa kanyang bahay.

Ayon kay Alcober, ang komedyante na si Ricardo Reyes sa totoong buhay, ay diabetic at nahirapan sa kanyang paghinga nitong mga nakaraang araw bago tuluyang namayapa.

Nagkaroon umano ng organ failure ang kanyang tiyuhin na siyang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Madali namang nakiramay ang aktres, scriptwriter at direktor na si Bibeth Orteza.  Sa kanyang Facebook page, nagpahayag ito ng: “Rest in peace, Ricardo Reyes, aka Ritchie D’Horsie. Godspeed.”

Ayon kay Orteza, labas-masok umano ang aktor sa ospital, at huli niya itong nakita na naka-wheelchair at naghihintay kina Vic Sotto sa studio ng Eat Bulaga.

Si Ritchie ay nakilala sa comedy show na “Iskul Bukol”  na pinagbidahan nina Tito at  Vic Sotto, at Joey De Leon.  Nagkaroon din siya ng maraming pelikula.

Ang kanyang mga labi ay ibuburol sa Loyola Marikina.

Read more...