TILA napasa maang isinagawang media workout ni Floyd Mayweather Jr. dahil nakita ng marami na totoo ang sinasabi ni Freddie Roach na nawala na ang bilis ng kanyang footwork.
Ang dating three division champion na si Sugar Shane Mosley ang isa sa nakapansin na wala na ang tikas ng binti ni Mayweather na siyang tinuran ni Roach bago pa man nagsimula ang paghahanda ng dalawang tinitingalang boksingero sa kapanahunang ito.
“Looking at him work in the gym and hit the bag, it doesn’t look like his legs are the same,” wika ni Mosley sa Boxingscene. “But they are good enough to evade Pacquiao.”
Naunang sinabi ni Roach na ang paghina ng mga binti ni Mayweather ay malaking bentahe kay Pacman dahil magagamit niya ang angking bilis sa pagpapakawala ng matitinding suntok.
“His legs aren’t what they were,” banggit ni Roach matapos makita ang workout ng pound-for-pound king. “I know he’s a good fighter, but I just think I have the better fighter.”
Hindi rin pinaniniwalaan ni Roach na makakasakit ang sinasabing pamatay na suntok ni Mayweather na kanang kamao kaya’t hindi niya ito inaalala.
“He has a good right hand but I don’t think he’ll knock Manny out with that right hand,” may kumpiyansang salita ni Roach.
Halos dalawang linggo na lamang at magaganap na ang mega-fight sa Mayo 3 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas kaya’t mas pinatindi pa ang paghahanda ng dalawa para matiyak na nasa pinakamagandang kondisyon sa gabi ng laban.
Kumbinsido pa rin si Mosley na magwawagi si Mayweather pero hindi niya pinagsasarhan ng pintuan na makapanggulat ang Pambansang Kamao.
“I’m still not sure because I know Pacquiao has punching power. He has a sneaky left hand that if Floyd gets too confident which he could, he could get caught,” ani pa ni Mosley na nakalaban sina Mayweather at Pacquiao at lumasap ng unanimous decision pagkatalo.
Samantala, lilimitahan ni strength and conditioning coach Justin Fortune ang oras sa pagpapakondisyon at ensayo ni Pacquiao para marating ang matinding fighting form.
Matapos na makita si Pacquiao na mag-spar ng 11 rounds kahapon, naramdaman ni Fortune na dapat huminay-hinay muna ito. Ito ay dahil sa mapapaaga ang kondisyon ni Pacquiao sa laban niya kay Floyd Mayweather Jr.
Kaya simula ngayon, hihikayatin ng dating heavyweight boxer mula Australia na si Fortune ang Pinoy boxing star na huminay-hinay muna.
Kung si Pacquiao ay nagsasagawa ng 48 hanggang 54 minutong pagtakbo sa Griffith Park, lilimitahan ito ni Fortune sa 48 minuto. Ang oras na inilalaan nito sa conditioning exercises at iba pang gym work ay babawasan rin para makabawi ang katawan ni Pacquiao.
Bukas ay sasabak si Pacquiao sa 12 rounds ng sparring para subukang isagawa ang game plan kontra Mayweather.