Tuwang-tuwa ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio dahil nagkaroon na sila ng pagkakataon ng kanyang pamilya para magbakasyon.
Last year pa kasi nila plinano ang pagpunta sa USA pero ngayon lang sila nagkaroon ng time para ituloy na ito dahil na rin sa sobrang busy niya sa work and school.
Nanood din sila ng live sa American Idol, kung saan nagkaroon pa siya ng pambihirang pagkakataon para makipag-selfie sa isa sa mga judges nito, si Jennifer Lopez. “Best vacation ever,” ng nasabi sa amin ng Artist Center talent nang makausap namin siya patungkol dito.
Samantala, napapanood ang karakter ni Derrick Monasterio sa top-rating Afternoon Prime series na The Half Sisters with Barbie Forteza and Andre Paras.
MOST READ
LATEST STORIES