‘PANLALAKI’ raw ni JODI noon pa buking ni PAMPI LACSON

Matindin ang mga pinakawalang rebelasyon ni Iwa Moto sa Paparazzi Showbiz Exposed nu’ng Sabado tungkol kay Jodi Santamaria.

Siya ang hinuhusgahang homewrecker, ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Jodi at Pampi Lacson, pero mas matindi pala du’n ang bitbit niyang rebelasyon.

Dalawang taon na ang nakararaan, ayon kay Iwa, habang magkarelasyon pa sila ni Mickey Ablan ay pumasok sa eksena si Jodi.

Marami raw siyang hawak na ebidensiyang magpapatunay na totoo ang kanyang mga sinasabi.

“Kung gusto ko po siyang wasakin, sana, ginawa ko na ‘yun two years ago pa, pero ginulo ko ba siya?

Ako pa ang sinasabi niyang homewrecker ngayon, samantalang siya itong nanggulo sa relasyon namin ni Mickey!

“Kami pa ni Mickey noon, nagsasama pa sila ni Pampi, pero nakipagrelasyon siya sa boyfriend ko. Kinausap ko siya noon, nagmamakaawa ako sa kanya na huwag niyang guluhin ang relasyon namin, pero nag-deny siya.

“Idinenay niya sa akin ang ginawa niya, pero umamin sa akin si Mickey, totoong naging magkarelasyon sila noon.

Ngayon siya magsalita, ngayon niya sabihing ako ang naninira ng relasyon ng may relasyon,” madiing pahayag ng sexy actress.

Aminado si Iwa na halos dalawang buwan na silang magkarelasyon ngayon ni Pampi Lacson, pero dalawang taon na silang magkakilala, hindi nga lang naging maganda ang dahilan nu’n.

“Kinausap ko po siya para pagsabihan ang wife niya na huwag sirain ang relasyon namin ni Mickey.

Kaya huwag niyang sabihin na hindi alam ni Pampi ang ginawa niya, totoo pong nakipagrelasyon siya kay Mickey habang nagsasama pa sila,” pagdedepensa pa ni Iwa Moto sa kanyang sarili.

Parang nangungunsensiya pang mensahe ni Iwa para kay Jodi, “Nakakaawa ka naman, gusto mong magsalita pero hindi mo magawa, dahil alam mo na ikaw ang may ginawa.

Ikaw ang may utang sa akin, hindi ako ang may utang sa iyo.”

Read more...