P102M jackpot sa 6/49 Super Lotto nakuha ng taga-Paranaque

Sa Paranaque City tumaya ang nanalo ng P101.9 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola Huwebes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Brgy. San Isidro. Isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 18-25-29-23-09-35.
Nagkakahalaga ng P32 milyon ang itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P35,650 ang 45 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P520 naman ang 2,448 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) naman ang 38,821 mananaya.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...