Andi nakatagal nang walang boyfriend

ANDRE PARAS, ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

ANDRE PARAS, ANDI EIGENMANN AT BRET JACKSON

SUMUSUMPA ang Kapamilya actress na si Andi Eigenmann na wala siyang dyowa ngayon. “I’m very, very single,” ang mariin niyang pahayag sa isang interview.

Kung nagsasabi nga ng totoo si Andi, ibig sabihin binasted na niya ang dating PBB housemate at Viva Artist Agency talent na si Bret Jackson at wala na talaga sila ng ex-boyfriend na si Jake Ejercito.

Pahayag pa ng dalagang ina sa nasabing panayam, “Ngayon ko lang talaga confidently masasabi na I’m so happy being single and just working on what’s most important to me, which is Ellie and my career, of course. It feels so good na I can just freely work on that because walang anything.”

Ayon kay Andi, natutuwa rin siya na sa kabila ng mga kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Jake, nananatili pa rin silang magkaibigan, at ganu’n din daw si Bret na leading man na niya ngayon sa latest movie niyang “Your Place Or Mine” under Viva Films.

“We are good friends. And despite everything, we have remained to be good friends. Maganda ang naging pagtatrabaho namin sa movie at ayaw kong masira ‘yung friendship,” chika pa ng aktres sa ginanap na presscon kahapon ng “Your Place Or Mine” kung saan kasama rin nila si Andre Paras.

Para naman kay Bret, mas okay na sa kanya ang maging magkaibigan sila ni Andi kesa tuluyan itong mawala sa kanya.

Sey ng binata, pareho silang magpo-focus ngayon ni Andi sa trabaho, “We found happiness in friendship. For me, knowing that she’ll have my back and I’ll have her back, that we are there for each other, I think that’s more lasting and stronger din.”

Ayon pa kay Bret sa isang panayam, “Nag-usap kami. Mutual understanding na lang na maybe we are not both ready for this.

She came out from a relationship, I respect that din. Sige let’s wait for the right time. It doesn’t mean na walang chance maging kami pero right now, let’s not push it.”

Kasabay nito, mariin namang dinenay ni Bret na niligawan niya noon si Andi para sumikat agad, “If I wanted to have a name in showbiz, best friend ko si James Reid. Why wouldn’t I just use him? Friends na kami since 2010. May plans ang Viva para sa akin before I met Andi.”

Ano naman ang reaksiyon niya na okay na uli sina Andi at Jake Ejercito? “He (Jake) has a relationship with Ellie (anak ni Andi) and I have to respect that. I have to respect the fact that he has a relationship with Andi din. Four years ‘yun. They shouldn’t have to hate each other just because they broke up.”

Samantala, pinuri naman ni direk Joel Lamangan sina Bret, Andi at Andre sa pelikula nilang “Your Place Or Mine”. Nakachika muna namin si direk Joel bago magsimula ang presscon ng movie kahapon.

Sey ng award-winning direktor, hindi naman daw sumakit ang ulo niya sa tatlong bida, mababait, masunurin at magagaling naman daw na artista ang mga bagets.

“Matatalino silang mga bata kaya wala akong naging problema sa kanila, pero siyempre, napapagalitan ko rin kapag kailangan. Pero hindi ko naman sila minumura, hindi naman ako marunong magmura. But they are all intelligent kaya maayos ang naging trabaho namin. Namomroblema lang naman ako kapag bobo ang mga artista,” sey pa ni direk Joel.

And yes, sex-comedy na may kaunting drama ang “Your Place Or Mine”, pero nilinaw ni direk Joel na hindi malaswa ang pelikula nila. “Kung ang tinatanong n’yo may breast exposure ba, may makikitang private parts, hindi ganu’n. PG-13 yata ang rating namin kaya pwedeng manood ang mga kabataan.”

Makakasama rin sa latest offering ng Viva Films sina Ian Batherson, Donnalyn Bartolome, Anja Aguilar, Jackielou Blanco, Arkin del Rosario, Ashley Rivera, Imee Hart, Christopher Roxas, Janna Victoria, Jim Pebanco at Luz Valdez.

Para sa lahat ng fans na gustong makita up close and personal ang mga bida ng “Your Place Or Mine”, abangan sila sa mga sumusunod na petsa at venue: April 19, SM Bacoor; April 25, SM Clark at Ayala marquee Mall; April 26, SM Manila at Lucky Chinatown mall. Showing na ito sa April 29 nationwide.

Read more...