SARAH malas talaga sa lalaki, may sumpa?

Kung totoong naghiwalay na sila ni Gerald

NATIGIL ang shooting ng movie ng Popstar Princess na si Sarah Geronimo with John Lloyd Cruz last month. “When A Man Loves A Woman” ang  title ng movie which is also the third installment ng “A Very Special Love”  movie series nila ni Lloydie sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

“Hindi ko po alam kung ano ang nangyari, e, now na-stop po kami.

May ginagawa po ata siyang movie,” sambit ni Sarah nu’ng makausap namin siya sa kanyang dressing room sa Sarah G Live!

Sa July 1 daw sila magre-resume ng shooting nila ayon pa kay Sarah.

Last March nagsimula ang shooting ng movie, “Siyempre po nalungkot ako kasi po all set na kaming lahat. Nakaapat na araw na po kami ng shooting. Pero wala pa pong playdate,” sabi pa ni Sarah.

Magbi-birthday na rin si Sarah next month.

She’ll turn 24 na on July 25.

Ngayon pa lang hinahanda na ang malaking concert ni Sarah on July 7 sa Smart Araneta.

Wala pang guest na masabi si Sarah nu’ng huli namin siyang makausap.

Pero tinanong na namin siya kung kasali sa guests niya si Gerald Anderson.

“Ah, in-invite po yata, e, inaayos. Sana po makapunta siya,” pahayag ni Sarah bago maganap ang premiere night ng “Born To Love You” kung saan magkahiwalay silang dalawa ni Gerald na dumating sa sinehan.

Sa mga pahayag nila during the interbyu, mukhang ‘di na sila masyadong nagtsitsikahan, huh!

Idagdag pa ang balitang nakita si Gerald na may ka-date na ibang babae.

Kung totoo ang mga balitang nakakalabuan na ang dalawa, mukhang wala talagang swerte sa lalaki si Sarah, huh!

Anyway, aliw na aliw naman ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pagse-serve sa buong staff and crew ng show ng kanyang anak ng bagong lutong palabok every Sunday.

Specialty kasi nila ang palabok sa resto business ng mommy ni Sarah.

Read more...