Derrick hubad kung hubad, mga beki naglaway

DERRICK MONASTERIO

DERRICK MONASTERIO

Hindi maikakaila na sobrang happy at thankful ni Derrick Monasterio nang magkaroon siya ng billboard para sa isang clothing line.

“I was surprised when I found out that Bench put up a billboard for me. It’s an honour to be one of their endorsers,” anang binata.

Nang tanungin naman namin ang Kapuso actor kung anong nararamdaman niya sa mga nagsasabing isa na siyang “certified hunk” ngayon, “This title does not only mean being physically fit, it also means that you have to improve your craft and hone your talents.”

Napapanood si Derrick sa highest-rating afternoon series na The Half Sisters, kung saan kasama niya sina Barbie Forteza, Thea Tolentino at Andre Paras.

In fairness, dahil sa ganda ng katawan ngayon ni Derrick, mas marami pang beki ang naglalaway sa kanya. Sabi nga ng ilang followers ng aktor, pwedeng-pwede na siyang ihilera sa mga hunk leading men ng GMA 7.

At kung mas lalo siyang magpupursige sa kanyang career, hindi imposibleng maabot din niya ang narating nina Dingdong Dantes, Dennis Trillo at maging ng isa pang Kapuso heartthrob si Tom Rodriguez. At sana huwag din siyang magbabago para tuloy-tuloy lang ang blessings.

Read more...