Napoles inilipat na sa Correctional

April 16,2015
share this

Napoles inilipat na sa Correctional

April 16,2015
share this

Napoles

Napoles

INILIPAT na ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim-Napoles sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City ganap na alas-2 ng umaga kahapon matapos namang masintensiyahan ng habambuhay na pagkakabilanggo dahil sa kasong serious illegal detention.
Sinabi ni BJMP spokesperson Inspector Aries Villaester na matapos mailipat mula sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, iprinoseso si Napoles sa Correctional kung saan kinuhaan siya ng mugshot, fingerprint at dumaan sa pagsusuri.
Sinabi naman ni CIW officer-in-charge Idilinda Patac na hindi naman nag-iisa si Napoles sa kanyang selda.
Ani Patac may 100 preso sa bawat selda sa Correctional.
Ganap na ala-1:38 ng umaga nang ilipat si Napoles sa CIW matapos na rin siyang masintensiyahan ng guilty ni Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alameda sa kasong serious illegal detention na isinampa ng pork barrel scam witness na si Benhur Luy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending