Sa taong ito ng 2015 makapag-aabroad (2) | Bandera

Sa taong ito ng 2015 makapag-aabroad (2)

Joseph Greenfield - April 16, 2015 - 01:56 PM

Sulat mula kay Analyn ng  Malitbog, New, Corella,  Davao del Norte
Problema:
1. Naisipan ko pong mag-aplay sa abroad, kasi ito na lang ang alam kong paraan para maiahon sa kahirapan ang aming pamilya. Ako po kasi ang panganay sa aming pitong magkakapatid. Kasama ko naman sa pag-aaplay ang pinsan at bestfriend kong si Arlene kaya safe naman kami kahit na D.H. lang ang aplay namin. Itatanong ko lang kung matutuloy po ba kami, kasi sa ngayon malaki-laki narin ang nagagastos namin sa mga papeles at pamasahe.
2. Balak na nga naming mag-give up, pero sabi naman sa akin ng mga magulang ko ituloy ko lang daw dahil baka nasa ibang bansa ang aking suwerte. Ano sa palagay nyo Sir Greenfield, makapag-aabroad kaya ako sa taong ito ng 2015 at kapag nasa abroad na ako, susuwertehin kaya ako doon? April 28, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Analyn ng Davao
del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa sandaling pinairal ang lakas ng loob, tuloy-tuloy at isa-isa ng matutupad ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay, lalong lalo na ang pag-aabroad. Kaya hindi ka dapat sumuko, sa halip lakas loob, ituloy mo ang iyong pag-aaplay.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa sandaling nasimulan mo ang pag-aabroad, tuloy-tuloy na ang pangingibang bansa at marami pang mas magagandang suwerte ang darating sa iyong buhay sa edad mong 28 pataas.
Luscher Color Test:
Upang mas mabilis kang suwertehin hindi lang sa pag-aabroad kundi sa lahat ng aspeto ng buhay, lagi kang gumamit ng kulay na dilaw at pula. Sa ganyan paraan mas marami suwerte at magagandang kapalaran ang kusa ng darating sa iyong buhay.
Huling payo at paalala:
Analyn hindi ka dapat mag-give-up sa ginagawa mong pag-aaplay sa abroad, dahil nakatakda na ang magaganap, sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hulyo o kaya’y Setyembre sa edad mong 28 pataas, matutupad na ang malaon mo ng pangarap – makapangingibang bansa ka at ang pag-aabroa din na ito ay siya na ring magiging simula upang tuloy-tuloy mong maiahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa tuluyan na kayong umunlad at yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending