Ai Ai kay Kris: Former friend ko na lang siya

PORMAL na ngang nakabalik si Ai Ai sa GMA7, at sa pagbabalik na ito meron kaagad siyang limang show.
Isa sa limang ito ay morning show na posibleng itapat daw sa programa ng kanyang dating friendship na si Kris Aquino.
Pero ayaw pang  idetalye ni Ai Ai ang tungkol rito.  Pero ngayon pa lang ay nagre-react na ang netizens – siguradong pagsasabungin uli ang dalawa para mas maging exciting ang labanan sa morning slot ng dalawang giant networks.
Nagpakatotoo naman si Ai Ai nang tanungin kung magkaibigan pa rin sila ni Kris matapos nga ang kinasangkutan nilang iskandalo noon. Sey ng komedyana, okay na sila ni Kris, totoo naman daw ang pagbabati nila sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera contrary sa report na nagplastikan lang sila.
Pero ayon kay Ai Ai, “former friend” at “former roommate” na lang ang turing niya sa dating bestfriend,
“Siyempre iba na ngayon. Dati roommate kami (parehong nasa ABS-CBN) ngayon magkapitbahay na lang dahil nandito na nga uli ako sa GMA. Basta okay na yun. I wish her well.”
Okay rin daw ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN, maayos siyang nagsabi sa mga bossing ng Dos at nirespeto naman daw ang naging desisyon niya, “Sabi ko nga, hindi biro yung 14 years ko sa kanila, kaya habangbuhay kong tatanawin yun.”
Samantala, bukod sa gagawin nilang sitcom, nakatakda ring gumawa ng pelikula sina Bossing at Ai Ai. At kung meron pa siyang gustong makatrabaho sa mga Kapuso actors, yan ay walang iba kundi si Dennis Trillo na matagal na niyang crush.

Read more...