Davao del Norte handa na sa Palaro

TANGING ang maliliit na bagay na lamang ang inaayos ng host Davao del Norte upang ideklarang handang-handa na ang lahat para sa gaganaping 2015 Palarong Pambansa na magsisimula sa Mayo 3.

“Everything is in place and what we need at the moment are finishing touches to make sure that operations go smoothly for the entire seven days of the Palaro,” wika ni Sofonias Gabonada Jr. ang organizing committee secretariat chairperson.

Isang general meeting ang naganap noong Martes sa tanggapan ni Governor Rodolfo del Rosario sa pagitan ng mga komite mula sa host Davao del Norte at Department of Education (DepEd) para tiyaking maayos na ang lahat may 17 araw na lamang bago buksan ang Palaro.

May 35 venues ang gagamitin para sa 23 sports na paglalabanan at isa lamang ang nasa labas ng siyudad para matiyak na magiging komportable ang tinatayang 10,000 atleta, opisyales at mga bisita na sasaksi sa kompetisyon.

“The venues have always been ready and what are only needed are the athletes and officials and the fans,” dagdag ni Gabonada.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maisasagawa ang Palarong Pambansa sa Davao del Norte at ang Davao del Norte Sports and Tourism Comples ang siyang pagdarausan ng athletics, swimming at tennis.

Read more...