Gerald: Di biro ang pinagdaraanan namin ni Maja!

maja salvador
Sayang at hindi kami nakarating sa celebrity screening ng Nathaniel na ginanap sa Trinoma Cinema 7 noong Linggo na dinaluhan ng mga bida sa serye na sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Isabelle Daza at Marco Masa.

Hindi tuloy namin nasaksihan ang kuwento ng mga katoto na ilang beses pinalakpakan sina Gerald at Shaina bilang mag-asawa sa kuwento na nagkaanak (si Nathaniel) ngunit namatay din na ginagampanan nga ni Marco.

At nu’ng malaman nga nila na patay na ang kanilang baby, doon na nag-breakdown sina Shaina at Gerald. At talagang hinangaan ang dalawa dahil ang galing daw nilang umarte bilang nawalan ng anak considering na pareho pa silang single.

Biruan nga ng mga katoto, hindi na nakikitaan ng pagka-Budoy si Gerald. Dati-rati kasi kapag nakikita ng tao ang aktor ay si Budoy ang naaalala nila kaya magandang project ito kay Gerald dahil tuluyan na siyang nakawala sa anino ni Budoy.

Hindi rin daw nagpatalo si Marco bilang si Nathaniel kaya naman panay din ang puri sa bagets. As expected, hinuhulaang magri-rate na naman ang Nathaniel dahil inspiring ang istorya tulad ng May Bukas Pa, 100 Days To Heaven at Honesto na talagang pinag-usapan sa buong mundo.

Kasama rin sa Nathaniel sina Coney Reyes, Pokwang, Benjie Paras, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, Yesha Camille at sina Fourth at Fifth Solomon, mula sa direksyon nina Darnel Joy Villaflor at Francis Passion na magsisimula na sa Abril 20 kapalit ng Dream Dad mula pa rin sa Dreamscape Entertainment.

Sa grand presscon naman ng Nathaniel nu’ng Martes ng gabi, inamin ni Gerald na hiwalay na nga sila ni Maja Salvador. Sabi ng aktor, “Opo. We are taking a break muna sa relationship namin.”

“But okay kami. We’re on very good terms at nag-uusap kami. We’re doing this together and we’re taking this step by step together,” paliwanag pa ni Gerald.

Dugtong pa nito, “I just wanna say thank you sa fans namin who were always there sa friends, family namin. All we ask right now is to just please, please respect our privacy.”

Nang matanong kung anong nararamdaman niya ngayong break na sila ng girlfriend, “Bad. That’s all I’m gonna say.”
Ayaw nang magdetalye pa ni Gerald kung ano ang rason ng kanilang paghihiwalay, “I don’t wanna comment.

Hayaan n’yo po kaming mag-recover muna dahil hindi rin po biro ang mga pinagdaanan namin. Please, please, sana po respect our privacy.”

Read more...