‘Dedma muna ako ngayon kina Aljur Abrenica at Sam Milby!’

sam milby

NAKAKALOKA ang araw na ito – isang taon na naman ang nadagdag sa edad ko at tila wala na itong urungan. Malapit na akong maging senior citizen. Ha-hahaha! How time really flies. Kakaloka!

You know, I can still vividly remember my youth – how I struggled through life, the many ups and downs na sinuong ko but I am truly grateful to our dear Lord dahil hindi Niya ako pinabayaan. Ilang beses man Niya akong sinubukan sa napakaraming pagkakataon pero He never let me down.

Lagi Niya akong binibigyan ng choices and there were times that I chose the right path and there were many times naman na pinili ko ang wrong direction pero at the end of the day, nandiyan lang Siya to remind me of everything.

Ako? Wala naman akong regrets sa buhay. Yung mga kamalian ko naman kasi along the way – through this roller-coaster ride have taught me many things, made me stronger as a human being and helped me live longer.

Kung masyadong malinis naman siguro ang tinahak kong daan, baka matagal na akong nanghina at natigok, di ba? May purposes ang lahat ng mga challenges na ito – nagbibigay sa atin ng maraming motivations.

Kaya everytime na may dumating na pagsubok sa akin, hinaharap ko at ginagawan ko ng solusyon – how small it may be basta hinahanapan ko ng kasagutan ang mga tanong.

Ganoon lang – ayoko nang ma-stress sobra at baka doon ako bumigay. For as long as I have my son beside me – my one and only Carlo Brian Sucaldito who’s turning 14 naman come April 29 – I am good. Basta okay ang anak ko, okay na rin ako.

Nandiyan din ang isa ko pang baby sa bahay na si Roger (Toxin) Divino, Jr. na kasabayan ni Caloy sa paglaki. Basta okay din ang karera ng anak kong si Michael Pangilinan, I feel better.

Simple lang naman ang mga hangad ko para sa kanilang lahat – ang mahalin ang mga mahal ko – Carlo Brian, Toxin, Michael, Prima Diva Billy, Patrick Garcia, Kuya Boy Abunda, Nay Cristy Fermin, Nay Lolit Solis, Papa Ahwel Paz, Daddy Ramon Revilla, Sr., Nora Aunor, Allan K, Richard Pinlac, Nay Jojit de Nero, Roel Caba of the Philippines, Edgar Gomez (hindi niyo siya kilala, ‘no? Ha-hahaha!), Melanie Marquez, ang mag-inang Arjo Atayde and Sylvia Sanchez, Laarni Enriquez, among others, panalo na kayo sa akin.

Hindi ko na muna isinali sina Aljur Abrenica at Sam Mily kasi parang deadma sila sa akin ngayon. But it’s alright. Hurting man konti pero pasasaan ba’t malalagpasan ko rin ito. Kung anuman ang mga dahilan nila, I don’t want to know anymore.

Ganoon lang ang patakaran ko – if you like me, just love me but if you don’t like me, hindi ako namimilit. Huwag lang ninyong kantiin ang mga taong malalapit sa puso ko at tiyak na magri-react ako in whatever little way. Believe me.

I love getting older dahil alam kong edad lang naman ang nadadagdag sa akin pero ang puso ko has remained young. Wala po akong progeria, ha. Ha-hahaha! Dios mio, kung alam niyo lang ang laman ng puso ko – how I fall in love with love. Sobra!

 

That’s the special thing about me, masarap kasi akong magmahal – ng pamilya, ng mga kaibigan at ng mga tunay na minamahal. Hasus!!!

Last night, my baby Michael Pangilinan mounted a special pre-birthday concert for me at Teatrino in Greenhills. Full-packed iyon. Sold out talaga. Nandoon halos lahat ng mga friends kong bumili ng tickets and some I invited.

Before the concert puspusan ang ginawang paghahanda ni Michael for the show, talagang ngaragan iyon. “First time ko kasing kakanta sa harap ng isang audience in a concert kaya talagang kinabahan ako,” Arjo whispered to me while rehearsing the other day.

But what is most important to me ay puso sa puso ang relasyon ko sa bawat kaibigan at mahal sa buhay. One on one iyan. Iba’t ibang level ng pagmamahal pero wagas at dalisay talaga.

I love this life – sarap. Hindi porke showbiz ang mundo namin ay doon lang umiikot ang buhay namin, we are abreast with what’s happening around us. It’s not just about PR jobs – it’s about being us. Na talagang naka-attune kami sa lahat ng kaganapan sa mundo.

Kaya hindi kami puwedeng iligaw totally ng kahit sino, kasi nga, aware kami sa mga kaganapan. Kung kailangang mag-rally, puwede rin kami. Kung kailangang pag-usapan ang RH Bill, we also know a little.

Anything puwede kami. Kasi nga, hindi kami nakapako sa showbiz lamang though we are so much in love with our profession. Showbiz has been my life for more than three decades already and I can’t imagine myself in another world anymore – parang dito na rin ako magwawakas actually.

But wait, huwag muna – I mean, I will die showbiz one day. Ganoon iyon. Ha-hahaha! Sa lahat ng bumati na at patuloy pa ring bumabati, maraming salamat. Sa mga hindi pa bumabati, oks lang.

Puwede pa namang humabol. Basta okay na ako. Huwag niyo lang pabayaan sina Carlo, Toxin at Michael, ha. Promise. Basta sobrang pasalamat ko sa Poong Maykapal sa lahat ng biyayang natamo ko sa mundong ibabaw. Hindi ito pamamaalam, ha! Ha-hahaha! Labyu all. Mwah!

Read more...