NAG-ALOK kahapon si Sen. Ralph Recto ng P100,000 pabuya sa sino mang makakapagbigay ng impormasyon para mahuli ang nasa likod ng pagpatay sa dating reporter ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na si Melinda “Mei” Magsino.
“I strongly condemn the murder of Mei Magsino who gave Batangueños an image of what a crusading and courageous journalist should be…” sabi ni Recto.
Patay si Magsino matapos barilin sa ulo sa Batangas noong Lunes ng tanghali.
“As a member of the press, Mei practiced her craft with guts and grit, her prose and insight as sharp as balisong, which she used to peel the falsehoods which hid the truth, and prick the conscience of the people and the ego of the powerful,” dagdag ni Recto.
Nagsilbi si Magsino bilang correspondent PDI sa loob ng anim na taon, hanggang 2005.
“She died with her boots on, comforting the afflicted and afflicting the comfortable to the end, and it was her desire to search for and speak out the truth which led her enemies to cowardly censor her forever,” aniya. (Shane Salandanan)
Killer ng ex-PDI reporter may patong sa ulo na P100K
READ NEXT
Jasmine Curtis sunud-sunud ang sexy pictorial sa mga Magazine; handa na bang magpaka-daring sa teleserye at pelikula tulad ni Ate Anne?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...