Masasayang na 16.2M libro pinaiimbestigahan

DepEd

Pinaiimbestigahan sa Kamara de Representantes ang masasayang umanong 16.2 milyong libro ng Department of Education dahil sa pagpapatupad n K to 12 program.
Naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Quezon City Rep. Winston Castelo at Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian para masuri ang ulat ng Commission on Audit kaugnay ng maaaksaya umanong mga libro na nagkakahalaga ng P608.7 milyon.
“State auditors stressed that it can be said that the lack of preparedness of the agency in the in the implementation of K to 12 deprived the students their access to quality education,” ani Castelo sa kanyang House Resolution 2020.
Sinabi naman ni Gatchalian na dapat ay gamitin ng mabuti ng DepEd ang kanilang pondo.
“The money from taxpayers would have been put to good use if only the DepEd was responsible enough to make sure the books will not be instantly obsolete and can be used in the new basic education curriculum,” ani Gatchalian.
Ang mga libro ay para sa lumang curriculum na ginagamit ng DepEd na sinasabing hindi na akma sa K to 12 program na ipinatutupad na.

Read more...