Jake sa tisay na dyowa: Binago niya ang buhay ko!

SARA GRACE KELLY AT JAKE CUENCA

SARA GRACE KELLY AT JAKE CUENCA

“BINAGO niya ang buhay ko!” Ito ang naging pahayag ng hunk actor na si Jake Cuenca patungkol sa kanyang bagong girlfriend na isang sexy model.

Ramdam na ramdam ng mga netizen at followers ni Jake sa kanyang social media accounts ang sobrang pagka-in love nito kay Sara Grace Kelley na aniya’y isang napakagandang blessing sa buhay niya.

Sa kanyang Instagram account, napakaraming ipinost na litrato ni Jake kung saan kasama niya ang kanyang girlfriend. Kuha ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at ilan pang lugar sa ibang bansa.

Isang larawan ang nilagyan ng caption ni Jake, aniya, “It’s like you don’t even try, you just do. Because that person makes that big of an impact in your life and that same person deserves the best version of yourself.”

At kahit daw bago pa lang ang kanilang love affair, sinabi ni Jake na maligayang-maligaya siya kapag nagkakasama sila ni Sarah Grace, “always awesome and amazing” ang ginamit nitong mga salita para i-describe ang bonding moments nila ng seksing modelo.

Naging maramot naman si Jake sa pagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa relasyon nila ng bagong dyowa.
In fairness, ang daming netizens ang nag-comment na naka-jackpot na naman daw ang Kapamilya hunk actor sa bago nitong GF. Sa katunayan, ilang kalalakihan ang nagpahayag ng pagkainggit kay Jake dahil nga hot na hot ang bago nitong karelasyon.

Read more...