TINAWAG na matatanda ni Isabelle Daza ang mga kaibigan niyang sina Anne Curtis at Solenn Heussaff noong makausap namin siya sa press screening ng pinakabagong teleserye sa primetime ng ABS-CBN na Nathaniel.
Hindi pa nakuntento si Isabelle sa pagtawag ng matanda kina Anne at Solenn, ibinuking pa niya na mahigit 30 na raw ang mga kaibigan niya compared to her na 27 years old pa lang.
Hindi naman nais kutyain ni Isabelle ang friends by saying na matatanda na sila. What she meant was, they’re old enough para mag-settle down. Mauuna raw muna sina Solenn at Anne na magpakasal sa kanilang respective boyfriends bago si Isabelle sa kanyang current flame.
“Ah, hindi matatanda. Mas matanda, kasi I’m 27, sila mga nasa 30s na. So, sabi ko si Anne na ang next, kasi sabi niya gusto niyang maging young mom. Pati si Solenn, gusto rin. She’s getting married,” esplika niya noong makausap namin siya sa well-attended na celebrity screening ng Nathaniel kung saan gumaganap nga siyang abogado at isa sa leading lady ni Gerald Anderson.
Okey naman daw sila ng boyfriend niya pero hindi pa raw siya magpapakasal.
“Si Solenn engaged na. Si Bianca (Gonzales) kasal na. Siguro si Iza (Calzado) ang next or si Anne kasi matatanda na sila,” say pa ni Isabelle.
Para sa kanya bata pa rin daw ang edad na 27 para mag-asawa. In fact, ang mom daw niya at dating Miss Universe na si Gloria Diaz ay nag-asawa at the age of 36.
Speaking of Gloria Diaz, ipinakita niya ang kanyang support kay Isabelle sa celebrity screening ng Nathaniel sa Trinoma last Sunday na mula pa rin sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment TV. Iikot ang kuwento ng bagong series ng Dos sa isang anghel na bumaba sa lupa para sa misyon na ibalik ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos.
“Isa lang ang eksena ko nandito na ‘yung mom ko. Nahalata ba na stage mother siya,” sabay tawa ni Isabelle.
Sa isang eksena lang lumabas si Isabelle sa pilot week na ipinalabas sa sinehan and soon mapapanood sa Primetime Bida ng
Kapamilya network ngayong Abril. Sakto naman na ang pambungad na eksena ni Isabelle sa Nathaniel ay ang kissing scene nila ni Gerald Anderson.
“Oo, hindi pa nga kami magkakilala ni Gerald nag-kissing (scene) agad kami,” ngiti niya.
Nag-workshop daw muna sila ni Gerald not on how to do a kissing scene but on “getting-to-know you.”
Masaya naman daw katrabaho si Gerald at ang kanyang Tita Coney Reyes sa set ng Nathaniel. Sila raw ang lagi niyang kaeksena. Feeling proud naman si Isabelle sa mga episode ng Nathaniel na napanood niya.
“Ang galing nilang lahat. Bawal ang hindi magaling so nakaka-proud talaga. Tapos, ang galing pala talaga ng Dreamscape.
Ngayon ko lang na-experience ‘to,” lahad pa ni Isabelle nang makausap namin after the screening.
Kaya kahit may pagkakontrabida ang role niya sa first ever teleserye niya sa Dos, hindi naman daw siya siguro mata-typecast sa ganitong klaseng role sa susunod na TV projects niya.