Angelica sa hacker: Bakit n’yo ko pinag-iinitan? Ano ba talagang meron sa ‘kin na wala kayo?

angelica panganiban

GIGIL na gigil si Angelica Panganiban nang malaman niyang may nagtangka ring mang-hack sa kanyang Instagram account. Ito’y matapos ding ma-hack ang Twitter account niya kamakailan lang.

Ayon kay Angelica nalaman niyang may nag-attempt na galawin ang kanyang IG account nang makatanggap siya ng password reset notification. Dito na nga raw nag-init ang kanyang ulo.

Sey ng dyowa ni John Lloyd Cruz, “Walang magawa! Pati Instagram ko. Hindi na kayo nakakatuwa. Ano bang nakukuha ng hacker dito? Hindi naman siya makikilala sa ginagawa niya.

“Hindi naman siya sisikat dito…Bakit? Bakit n’yo ko pinag-iinitan? Anong meron sa ‘kin na wala ka? Kapag na-hack mo ba accounts ko, ikaw na ‘ko? Paki-explain mo naman sa ‘kin yung purpose ng pagpapanggap na ako…” naiiritang pahayag ng Kapamilya actress.

Pero bago ito, nauna nang inihayag ni Angelica na nahuli na niya ang nang-hack sa Twitter account niya, nakakuha raw siya ng ilang detalye tungkol sa “suspek” .

Sey ng aktres, nakatanggap siya sa e-mail ng reset password notification para sa isang Twitter account na may handle name na @ljamel1633.

Feeling ni Angelica ito ang hacker na nakialam sa kanyang Twitter account kamakailan. Agad siyang nag-post ng mensahe para sa kanyang hacker, aniya, “Sooo…Ikaw po ba hacker ko?

Napupunta kasi sa email ko account details mo…By the way, na-hack na din pala kita and suspended account mo.”

 

Read more...