Sulat mula kay Edralyn ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental
Problema:
1. Ang problema ko kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield dahil dalawang taon na kaming nagli-live in ng lalaking kinakasama ko sa ngayon at may isa na kaming anak pero until now hindi pa rin niya tinutupad yong pangako nya sa aking magpapakasal daw kami. Lagi ko sa kanyang tinatanong kung kailan kami magpapakasal, pero wala pa daw ito sa plano nya. Gusto ko pong makasal kami para maging legal ang aming pagsasama at isa pa, ayaw ko pong lumaki ng walang legal na ama ang aking anak.
2. Sa inyo pong palagay may pag-asa pa kayang matupad ang pangarap kong ito, ang lumakad ng naka-wedding gown sa altar at maging legal akong asawa ng lalaking kinakasama ko sa ngayon? October 15, 1989 ang birthday ko at February 3, 1985 naman ang lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Edralyn ng Negros Occidental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang lalaking iyong kinakasama ay nagsasabing compatible at tugma nga kayong dalawa, kung saan, maaaring ang kinaiinipan mong kasalan ay maganap sa buwan ng Hunyo hanggang Setyembre sa susunod na taong 2016.
Numerology:
Ang birth date mong 15 at 3 naman ang lalaking kinakasama mo ay nagsasabing bukod sa tugma kayo sa Astrology, tugma din kayo sa Numerology, dahil ang 15 ay 3 ay kapwa divisible by 3. Ibig sabihin compatible na compatible nga kayo, kaya naman sa taong 2016, tulad ng nasabi matutupad ang pangarap mong kasal.
Luscher Color Test:
Sa araw ng kasal mapalad na motif ang kulay na pula o kaya’y lila, puwede din ang violet. Sa nasabing kulay, tuloy-tuloy na pagpapalain at susuwertehin ang inyong samahan habang buhay.
Huling payo at paalala:
Edralyn mapalad ka, dahil tiyak na ang magaganap, kapag sinabihan mong muli ang inyong ka-live tungkol sa gusto mo na ng kasal, kusa nyang tutuparin ang kanyang pangako. Kung saan, magkakaroo na rin ng petsa ang inyong kasal. Tulad ng nasabi na, magiging abala na kayo kapwa sa paghahanda sa araw ng inyong kasal sa susunod na taong 2016, upang pagsapit ng Hunyo sa nasabing panaon sa edad mong 27 pataas, tuluyan na ngang matutupad ang pangarap mo na maglakad sa altar at pormal na tanggapin ang banal na matrimonyo ng kasal.