Music video ni Pacquiao para sa nalalapit na laban nila ni Mayweather inilabas na

manny pacquiaoINILABAS na ni boxing champ Manny Pacquiao ang isang apat-na minutong music video kaugnay ng kanyang bagong awitin na “Lalaban Ako Para sa Filipino,” wala nang tatlong linggo bago ang inaabangang laban nila ni Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 3.
Ipinost ang nasabing video sa opisyal na Facebook account ni Pacquiao ngayong araw.
Naglalaman ito ng mga kuhang larawan mula sa mga nakaraan niyang laban at ang kaniyang matinding pag-eensayo, na siningitan ng mga kuha ng mga mahihirap na Pilipino at mga biktima ng sakuna.
Ipinapakita sa mga titik ng kanta ang kagustuhan ni Pacquiao na ialay ang kanyang laban sa mga Pinoy.
Ang “Lalaban Ako Para sa Filipino” ay base sa komposisyon ni Lito Camo at gagamitin na kanyang entrance song sa kanilang laban ni Mayweather.
Sa isang ulat ng GMA 7, sinabi nito na mismong si Pacquiao ang nagdirek ng music video.
Ganap na alas-2:44 ng hapon, umabot na sa 934,000 views ang music video, samantalang mahigit 56,000 na ang nag-like sa Facebook.(Shane Salandanan)

Read more...