“Preliminary results were negative for suspected toxic substances,” sabi ni Health Secretary Janette Garin.
Idinagdag ni Garin na iniimbestigahan na ang posibleng insidente ng pagkalason.
“The situation appears to be an isolated event, pointing to a possible case of poisoning. Let me emphasize that this is isolated. In fact, this is the third time the couple bought milk tea in the same food establishment. No untoward incident happened during the previous intake,” dagdag ni Garin.
Ayon pa kay Garin, papalawakin pa ng DOH ang pagsusuri kung saan isasama na sa ang dugo, gastric at tissue sample na kinuha mula sa mga biktima para madetermina ang dahilan ng kanilang pagkamatay.
Samantala, sinabi ni Manila Police District (MPD) spokesperson Marissa Bruno na hindi dinaya ang milk tea na isinumite nito sa DOH at sa Food and Drugs Administration (FDA).
Ito’y matapos hindi nagtugma ang resulta ng pagsusuri ng DOH sa autopsy na isinagawa ng MPD sa katawan ng biktimang si Suzaine Dagohoy.
Batay sa resulta ng autopsy ng MPD sa katawan ni Dagohoy, namatay ito dahil sa “shock secondary to ingestion of toxic substance.”
Ayon naman sa source mula sa MPD, lumalabas sa inisyal na resulta ng autopsy sa may-ari ng ErgoCha Milk Tea House na si kay William Abrigo, na “throat did not show indications that a strong substance, such as silver nitrate or cyanide, passed through it.”
Nauna nang napaulat na iniimbestigahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang posibilidad na may cyanide ang ininom na milk tea ng mga biktima.
Nabuhay naman ang boyfriend ni Dagohoy na si Arnold Aydalla, na nagpapagaling sa Philippine General Hospital (PGH).
MOST READ
LATEST STORIES