Nangangarap makasal

Sulat mula kay Edralyn ng Katalbasa, Sagay City, Negros Occidental 

Dear Sir Greenfield,
Ang problema ko kaya naisipan kong sumangguni sa inyo Sir Greenfield dahil dalawang taon na kaming nagli-live in ng lalaking kinakasama ko sa ngayon at may isa na kaming anak pero until now hindi pa rin niya tinutupad yong pangako nya sa aking magpapakasal daw kami. Lagi ko sa kanyang tinatanong kung kailan kami magpapakasal, pero wala pa raw ito sa plano nya. Gusto ko pong makasal kami para maging legal ang aming pagsasama at isa pa, ayaw ko pong lumaki ng walang legal na ama ang aking anak. Sa inyo pong palagay may pag-asa pa kayang matupad ang pangarap kong ito, ang lumakad ng naka-wedding gown sa altar at maging legal akong asawa ng lalaking kinakasama ko sa ngayon? October 15, 1989 ang birthday ko at February 3, 1985 naman ang lalaking kinakasama ko.

Umaasa,
Edralyn ng Negros Occidental

Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Wag kang mangamba sapagkat kapansin-pansing iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, walang duda sa malapit na hinaharap matutupad ang matagal mo ng pangarap – makasal ka sa kasalukuyan mong kinakasama.
Cartomancy:

King of Clubs, Queen of Diamonds at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa susunod na taong 2016, sa buwan ng Hunyo sa edad mong 27 pataas, makakasal na kayo ng ka-live in mo.

Itutuloy…

Read more...