Waging best actress si Cherie Gil sa 2015 ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) para sa pelikukang “Sonata” na ginanap sa Borneo Convention Centre in Kuching, Malaysia kamakailan.
Tinalo ng la primera kontrabida ang iba pang Pinay actress na nominado rin sa nasabing kategorya kabilang na sina Vivian Velez (Bendor), Barbara Miguel (Nuwebe), Krystle Valentino (Purok 7) at ang Indonesian actress na si Prisia (Sekola Rimba).
Pinasalamatan ni Cherie ang kanyang yumaong kapatid na si Mark Gil at ang mga direktor niya sa “Sonata” na sina Peque Gallaga at Lore Reyes.
“Thank you so much ?AIFF? / Tarima kase Malaysia / We did it! SONATA family Love love love Nelson Bakunawa Jo M Macasa Lore Reyes Wanggo Gallaga Chino Jalandoni / Thank you Ralph too!! This one is for and because of you,” post ni Cherie sa kanyang Facebook account.
Tinanggap naman ng Superstar na si Nora Aunor ang Lifetime Achievement Award na ibinibigay sa isang ASEAN film personality na nagtagumpay sa pagiging international artist. Si Jackie Chan naman ang tumanggap ng Asian Inspiration Award.
Ang Filipino filmmaker namang si Joseph Israel Laban ang nanalong Best Director para sa Cinemalaya 2013 entry na “Nuwebe” habang ang 2013 Cinemalaya entry na “Purok 7” ang nag-uwi ng ASEAN Spirit Award.
Nakita naman namin ang litrato kung saan niyakap ni Jackie Chan nang mahigpit si Ate Guy matapos nitong tanggapin ang kanyang award.