Liza Soberano umamin sa tunay na relasyon nila ni Enrique

liza soberano

DIRETSONG inamin ng Kapamilya Princess na si Liza Soberano na totoong nanliligaw sa kanya ang ka-loveteam na si Enrique Gil.

Ayon sa leading lady ni Enrique sa Primetime Bida series na Forevermore, nag-level up na ang friendship nila ng Kapamilya actor at buong ningning na ibinandera sa madlang pipol na totoong pinopormahan nga siya ng aktor.

Sa isang interview kay Liza, sinabi rin nito na napakaraming qualities ni Enrique ang talagang nagustuhan niya, lalo na ang pagiging mapagmahal nito sa kanyang pamilya.

Natutuwa rin daw siya sa binata dahil lagi siya nitong inaalagaan sa set ng kanilang teleserye. “Laging siyang nandiyan pag may problems ako at magaling magbigay ng advice,” dagdag pa ng dalagita.

Kasabay nito, diretso ring sinabi ng teen actress na maaaring mauwi sa seryosong relasyon ang friendship nila ng ka-loveteam.
Samantala, nakiusap naman si Liza sa mga followers at fans nila ni Enrique na huwag nang awayin ang Kapamilya actor na si Diego Loyzaga at si Sofia Andres na kasama rin nila sa Forevermore. Sina Diego at Sofia ang gumaganap na third party sa tambalang Liza at Enrique.

Ayon kay Liza, sana raw ay tumigil na ang ilang netizens sa pamba-bash sa dalawa dahil trabaho lang ang ginagawa ng mga ito at magkakaibigan na talaga sila sa totoong buhay.

Dagdag pa ni Agnes (karakter ni Liza sa Forevermore), ayaw lang niyang ma-experience nina Diego at Sofia yung naranasan niya noon nu’ng siya naman ang third party sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa seryeng Got To Believe.

“Ayaw kong maramdaman nila iyong naramdaman ko dati. Siyempre masakit. Wag naman sana ganoon para hindi naapektuhan iyong trabaho ng tao,” chika pa ni Liza.

Samantala, mas lalo pang nagiging kapana-panabik ang kuwento ng Forevermore lalo na ngayong unti-unti nang bumabalik ang magandang pagtitinginan nina Xander at Agnes.

In fairness, talagang patok na patok sa manonood ang mga kilig moments nina Enrique at Liza kaya naman patuloy din ang paghataw nito sa ratings game.

Kasama rin sa nasabing Primetime Bida series sina Joey Marquez, Irma Adlawa, Lilet, Zoren Legaspi, Marissa Delgado at marami pang iba.

Read more...