Halos 200,000 trabaho sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang nananatiling bakante at hindi pinupunan sa kabila ng mataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Ayon kay House deputy minority leader at LPGMA Rep. Arnel Ty umaabot na sa 188,388 ang bakanteng posisyon sa gobyerno tumaas ng 154,019 o 22 porsyento kumpara noong 2013.
Ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno ay 13.1 porsyento ng mga plantilla positions.
“We reckon many of this vacant items are for public elementary and high school teachers. Yet we have tens of thousands of licensed teachers who are totally jobless,” ani Ty. “In fact, some of these registered teachers have become so desperate they’ve been driven to work in private schools for as low as P7,000 per month.”
Ayon sa survey ng Social Weather Station 12.4 porsyento ng mga Filipino na nasa edad ng pagtatrabaho ay walang mapasukan, batay sa survey noong fourth quarter ng 2014.