NANATILING bet ng Liberal Party (LP) si Interior Secretary Mar Roxas para sa pagkapangulo sa 2016 elections.
Ito ay ayon sa isang opisyal ng partido na si Budget Secretary Butch Abad, kasabay ang pagtanggi sa naunang ulat na nagdadalawang-isip na umano si Pangulong Aquino na gawing pambato ng administrasyon si Roxas sa darating na halalan dahil sa hindi ito umaangat sa mga survey.
“The President has much respect for Mar and certainly, Mar has much respect for the President,” ayon kay Abad.
“We heard it from him (President Aquino) repeatedly. There is no reason to doubt that Mar Roxas is still his candidate.”
Una nang napaulat na sinabihan umano ni Aquino si Roxas na dapat nitong i-improve ang kanyang rating kung gusto nitong siya ang manukin ng administrasyon sa nalalapit na halalan.
“Of course, Mar is still our candidate,” ani Abad, kasabay ang pananalig na maiiaangat pa ng kalihim ang kanyang rating sa mga susunod na buwan.
“It is true that the numbers do not favor Mar. But with 15 months [to go], those numbers can change. The President discovered that himself when he decided [to run] with only eight months to go,” dagdag pa ni Abad.