Kris may matinding kasalanan kay Vice | Bandera

Kris may matinding kasalanan kay Vice

Cristy Fermin - April 12, 2015 - 02:00 AM

kris vice ganda

Habang maaga pa, habang puwede pa nilang ayusin ang kanilang hidwaan, ay dapat nang tutukan nina Kris Aquino at Vice Ganda ang kanilang problema.

Kahit hindi sila nagsasalita ay patuloy ang pag-ikot ng kuwento na may hindi sila pinagkakaintindihan ngayon, sangkot sa usapin ang diumano’y ideya ni Vice na “ninakaw” ni Kris Aquino, sa bawat pagsasalita ngayon ng pamosong komedyante ay ipinalalagay ng mas nakararami na ang aktres-TV host ang kanyang pinatututsadahan.

Nagsalita lang tungkol sa interpretasyon ng pagkakaibigan si Vice Ganda, ginamit lang nito ang salitang traydor ay si Kris na agad ang naisip ng mga nakarinig, kaya kailangan na nilang bantayan ang kanilang mga emosyon ngayon.

Si Kris ang nalalagay sa alanganin sa paghusga ng mas nakararami, lumalabas daw na tama si Ai Ai delas Alas sa pagkawasak ng kanilang pagkakaibigan ni Kris, kahit pa nagkabati na sila ilang buwan ang nakararaan.

Hindi raw marunong mag-alaga ng pagkakaibigan si Kris, sinsero ang ipinakikita at ipinararamdam sa kanya, pero kapos na kapos sa pagpapahalaga ang aktres-TV host.

Maraming taon na ang tinatakbo ng samahan nina Kris at Vice Ganda, maraming pagsubok na silang nalampasan, nakapanghihinayang naman kung mauuwi lang ‘yun sa wala.

Pero kapansin-pansin na walang gaanong kaibigan si Kris Aquino, bilang na bilang lang, kaya huwag na sana niyang pabayaang mawasak pa ang pagkakaibigan nila ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending