Ariella sa bashers: Ganito talaga ako magsalita!
Nagreak na ang Miss Universe 2013 third runner-up na si Ariella Arida sa mga bumabatikos sa pagiging host niya sa nakaraang Binibining Pilipinas 2015 coronation night.
Sa interview ng ABS-CBN, inamin ni Ariella na hindi siya tulad ng ibang beauty queens na kayang magsalita nang dire-diretso at mahabaaan na may poise.
“Hindi naman ako in denial eh. Kasi ganito talaga ako magsalita, eh anong magagawa ko? So world peace na lang tayong lahat-lahat,” paliwanag ni Ariella sa nasabing panayam.
Dugtong pa niya, “Ganito talaga ako, na parang bakla lang, ganyan. And siyempre siguro beauty queen ka, ine-expect nila na sobrang prim and proper and poised especially kapag nagsalita.”
Nagbiro naman ang beauty queen na baka raw wala nang kumuha sa kanya para mag-host ng mga events dahil sa mga pang-ookray sa kanya, “Sa akin naman ang iniisip ko, ‘Ay, may mag-book pa kaya sa akin?’ Parang ganoon, ‘yun ang iniisip ko sa sarili ko. Ha-hahaha!”
Dagdag pa ni Ariella sa kanyang interview, “Ready naman ako na i-improve siya (hosting). Siguro kung may gusto na pag-hostin ako ulit, why not?”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

