Isabelle handa na sa panlalait, pang-ookray ng madlang pipol

isabelle daza

And speaking of pagiging bongga, iyan naman ang nakikita naming mangyayari sa career ni Isabelle Daza na mapapanood na sa inspiring series ng ABS-CBN na Nathaniel very soon.

Masipag mag-promote at makipag-usap si Isabel tungkol sa experience niya sa naturang soap at kung paano niyang “inakit” si Gerald Anderson in her character na isang abogada sa said soap opera.

Bida-kontrabida si Isabelle sa role niya kaya’t inaasahan na niya ang pagkakaroon ng bashers. Pero ang isa sa pinakamasayang tsika ng maganda at mahusay na aktres ay ‘yung experience niya sa mga batang kasali sa kanilang serye, lalo na sa gaganap na Nathaniel, ang kyut na kyut na si Marco Masa.

Read more...