Netizens nabwisit sa sobrang kayabangan ni Rey Pamaran

rey pamaran

Maraming nabwisit at nayabangan sa kontrobersiyal na negosyante na si Rey Pamaran nang mag-post uli ito ng mensahe sa kanyang Instagram account na may kalakip pang dalawang resibo ng airplane ticket sa Cebu Pacific.

Kahit hindi niya diretsong pinangalanan si Melissa Mendez na nakaengkwentro niya sa isang flight patungong Pagadian City (at idinemanda pa nga niya ng Slander by Dedd), naniniwala ang netizens na ang veteran actress ang pinatatamaan niya sa kanyang IG post.

Ayon kay Pamaran, kahit daw anong mangyari, laging sa kanya ang 1A seat sa flight ng Cebu Pac kapag pupunta siya ng Pagadian at babalik ng Manila.

Ang 1A seat na ito ang kontrobersiyal na upuan sa eroplano na siyang pinag-awayan nina Pamaran at Melissa Mendez noong March 20.

Dalawang resibo ang ipinost ni Pamaran sa Instagram, ang isa ay plane ticket niya at ang isa ay nakapangalan sa kaibigan nitong si Andrew Wolff na kasama rin niya noong makaengkwentro nila si Melissa Mendez.

Nilagyan ni Pamaram ng caption ang dalawang resibo ng: “History does repeat itself. This also shows you that everytime I fly to and fro Pagadian, I am always at seat 1A. Clouds or none.”

Sey ng isang nagkomento sa post ni Pamaran, napakayabang naman daw pala talaga ng kaibigan ni Andrew Wolff, hindi na lang daw ito tumahimik at ibinandera pa sa buong mundo ang kanyang kaangasan.

Sana raw ay itikom na lang nito ang kanyang bibig dahil nasa korte na ang kaso nila ni Melissa Mendez.

Read more...