Kean nahuling hinahalikan sa leeg si Chynna Ortaleza?

chynna ortaleza

Na-shock ang Kapuso kontrabida actress na si Chynna Ortaleza sa mga chika na nahuli raw sila ni Kean Cipriano sa isang “malisyosong” sitwasyon habang magkasama sa isang resort sa Zambales.

Ayon sa balita, may nakakita raw kay Kean na hinahalikan sa leeg si Chynna. Magkasama ang dalawa noong Semana Santa sa Zambales kaya marami ang naniwala sa kumalat na chika.

Sa isang interview, dineny ng Kapuso actress ang tsismis na hinalikan siya ni Kean sa leeg, pero inamin niyang totoong sabay silang nagbakasyon sa Zambales noong Holy Week.

Anang dalaga, “Pumunta kami dun with friends kasi we’re into filmmaking ngayon, e. May nagawa kaming music video for Six Cyclemind, at naging AD (assistant director) ako sa kanya. Basta steady lang kami ni Kean.”

“Pero grabe naman, hinalikan ako sa leeg? Hindi naman ako aware na hinalikan ako sa leeg,” shocked na pahayag pa ni Chynna.

May nagtanong din sa kanya kung ano ba talaga ang estado ng relasyon nila ng isa sa mga leading man ni Alex Gonzaga sa seryeng Inday Bote ng ABS-CBN, ang tugon nito sa nasabing panayam, “Hindi ko alam.

Basta steady lang kami. Masaya lang kami magkasama, e. I go with the flow.” Samantala, isa si Chynna sa mga gaganap na tomboy sa bagong serye ni Marian Rivera sa GMA 7, ang The Rich Man’s Daughter na malapit nang magsimula sa GMA TeleBabad.

 

Read more...