Jackpot sa Super Lotto 6/49 aabot na ng P89M

Super Lotto 6/49

Inaasahang aabot sa P89 milyon ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa Linggo.
Walang nakakuha sa mga lumabas na numerong 44-46-33-28-05-13, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Umabot sa P27.4 milyon ang halaga ng itinaya para sa bola noong Huwebes. Umabot sa P83.6 milyon ang jackpot nito.
Nagkakahalaga ng P70,000 ang inuuwi ng 18 mananaya na nakalimang numero.
Tig-P1,280 naman ang napanalunan ng 857 mananaya at balik-taya naman ang 17,963 mananaya.

Read more...