NGAYON ang panahon na magpalitan tayo ng kaalaman para mabuking ang mga pekeng biktima ng bagyong Ondoy. Naglipana na kasi sila, ayon kay Social Welfare Secretary Esperanza Cabral. Inamin ni Cabral na noong Linggo’t Lunes, nalusutan sila ng mga pekeng binaha. Meron kaming napuna para malamang pekeng Ondoy victims ang lumalapit. Maiingay sila at relief goods agad ang hinahanap.
Nagbibilang agad sila kung ilan sila sa bahay, na anila, ay wala na. Karaniwan, mas malaki ang bilang nila kesa karaniwang pamilya na isang kayod, isang tuka ang pamumuhay (paano bubuhayin ng isang kayod, isang tuka ang maraming miyembro ng pamilya?).
Meron ba kayong alam kung paano natin sila mabubuking? Ibahagi naman ninyo sa amin.
BANDERA Editorial, 100209
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.