NAKUHA ng Cauayan City, Isabela ang Guinness World Record para sa pinakamahabang parada ng tricycle.
Ito ay matapos pumarada ang 681 tricycle noong Abril 8 nang magsanib pwersa ang lungsod ng Cauayan, Ropali motorcyles, History at Honda.
Naagaw nito mula sa Beijing, China ang world record noong Hunyo 13, 2004 matapos itong makapagtala ng 317 tricycle sa sabayang pagparada na ginawa sa Beijing Goldenport International Motor Park.
“Proud Cauayeños made history today,” sinabi ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino sa kanyang Facebook page.
Kabilang ang Cauayan sa third-class city na may tinatayang populasyon na 128,032. – Myca Fernandez
MOST READ
LATEST STORIES