Bar exams muling gaganapin sa UST

SC

SC

INAPRUBAHAN ng Korte Suprema na idaos muli sa University of Sto. Tomas (UST) ang 2015 Bar exams na gaganapin sa Nobyembre 8, 15, 22 at 29 ngayong taon.
Kinatigan ng Katastaasang Hukuman ang negosasyon sa pagitan ng Office of the Bar Confidant (OBC) at ng UST.
Sinabi ng Korte Suprema na magsisimulang tumanggap ng aplikante ang OBC mula Hunyo 15, 2015 hanggang Hulyo 31, 2015.
Ayon pa sa SC, hindi na magbibigay ng palugit para sa aplikasyon.
Mula 2011, sa UST na ginaganap ang Bar exams na dating hawak ng De La Salle University. (Isinalin ni John Michael B. Tamayo)

Read more...