HOW true are the rumors na hindi na nadadaluhan ni James Reid ang mga commitments niya because he’s always tired?
Written about as very unprofessional, marami na raw showbiz activities si James na hindi niya nakakayang puntahan because he’s dead tired na raw. Ang siste, ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre na lang ang pumupunta sa showbiz commitments na sana’y silang dalawa ang dapat na dumalo.
Apparently, James is suffering from the seemingly endless partying and drinking kaya wala na raw itong lakas na pumunta pa sa mga showbiz activities niya the next day.
Wala raw disiplina itong si James when it comes to his career kaya naman palagi itong late o kaya palaging absent sa kanyang mga commitments.
Paano ka nga naman makakadalo sa mga activities mo kung the night before ay lango ka sa alak dahil um-attend ka ng party? Any comment, James?