Nagpasok ang Court of Tax Appeals Third Division ng not guilty plea para kay Caparas.
Iginiit ni Caparas na may nakabinbin pa siyang petisyon sa Korte Suprema.
Nahaharap si Caparas sa paglabag sa National Internal Revenue Code (NIRC) matapos mabigong maghain ng Value-Added Tax (VAT) mula 2006 hanggang 2009 kung saan hindi umano siya nagbayad ng buwis na umabot ng P101.8 milyon.
Inimbestigahan si Caparas ng BIR kaugnay ng dalawang show sa telebisyon na pinondohan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kung saan si Caparas naman ang producer.
Ang dalawang show na may pamagat na “Ang Pangarap Kong Jackpot” at “Kroko” ay parte ng P1.3 bilyong kontrata na pinasok ng PCSO at ni Caparas, kung saan tumanggap umano ang huli ng P850.95 milyon mula 2006 hanggang 2009.
Itinakda naman ng tax court ang preliminary conference sa Mayo 7 ganap na alas-1:30 ng hapon at ang pretrial conference sa Mayo 20, 2015, ganap na alas-1:30 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES